PNOY
Pres. Noynoy Aquino's State of the Nation Address (SONA) of today, July 25, 2011, made Filipinos proud to be a Filipino, with a strong sense of nationalism,. With the President's powerful speech, delivered in Filipino, he was able to reach the majority of the Filipinos, We salute you, Mabuhay!
Below is an excerpt of his speech:
"Sa matagal na panahon, naging simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang.
Dati, kung makapag-counterflow ang mga opisyal ng pamahalaan, para bang
oras lang nila ang mahalaga. Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila
ang naging hari ng bayan. Kung maka-asta ang kanilang mga padrino’t
alipores, akala mo’y kung sinong maharlika kung humawi ng kalsada;
walang pakialam sa mga napipilitang tumabi at napag-iiwanan. Ang mga
dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos
mangakong maglingkod—iyan po ang utak wang-wang.
Wala silang karapatang gawin ito. Ayon sa batas, tanging ang
Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Chief
Justice, at pulis, bumbero, at ambulansya lang ang awtorisadong gumamit
ng wangwang para sa kanilang mga opisyal na lakad. Kung sa trapiko nga
ay di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang
makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan?
Kayo po ba gusto ninyong makulong ang lahat ng tiwali? Ako rin. Gusto
ba ninyong matanggal ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada, kundi sa
kaisipang nagdulot ng baluktot na sistema na pagkatagal-tagal na nating
pinagtiisan? Ako rin. Gusto po ba ninyong mabigyan ng patas na
pagkakataon ang lahat na umasenso? Ako rin.
Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang
sa sistema. Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabi, nabawasan
ang nagugutom sa kanila. Mula 20.5% na self-rated hunger noong Marso,
bumaba na ito sa 15.1% nitong Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang
Pilipinong nagugutom dati, pero ngayon ay nakakakain na nang tama kada
araw.
Sa larangan po ng negosyo, sino ba ang nag-akalang pitong ulit nating
malalampasan ang all-time-high ng stock market? Ang dating 4,000 index
na inaakalang hindi maaabot, o kung maabot man ay pansamantala lang,
ngayon, pangkaraniwan nang hinihigitan.
Kung dati napako na ang bansa sa mababang credit ratings, itinaas ng
Moody’s, Standard and Poors, Fitch, at Japan Credit Ratings Agency ang
ating ranking, bilang pagkilala sa ating...."
For the full text and English translation, go to
SONA July 25, 2011
on
"ternos" worn at SONA