Monday, July 25, 2011

PNOY's State of the Nation Address, Jult 25, 2011

                                                                      PNOY
Pres. Noynoy Aquino's State of the Nation Address (SONA) of today, July 25, 2011, made Filipinos proud to be a Filipino, with a strong sense of nationalism,. With the President's powerful speech, delivered in Filipino, he was able to reach the majority of the Filipinos,  We salute you, Mabuhay!

Below is an excerpt of his speech:

"Sa matagal na panahon, naging simbolo ng pang-aabuso ang wang-wang. Dati, kung makapag-counterflow ang mga opisyal ng pamahalaan, para bang oras lang nila ang mahalaga. Imbes na maglingkod-bayan, para bang sila ang naging hari ng bayan.  Kung maka-asta ang kanilang mga padrino’t alipores, akala mo’y kung sinong maharlika kung humawi ng kalsada; walang pakialam sa mga napipilitang tumabi at napag-iiwanan. Ang mga dapat naglilingkod ang siya pang nang-aapi. Ang panlalamang matapos mangakong maglingkod—iyan po ang utak wang-wang.
Wala silang karapatang gawin ito. Ayon sa batas, tanging ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, House Speaker, Chief Justice, at pulis, bumbero, at ambulansya lang ang awtorisadong gumamit ng wangwang para sa kanilang mga opisyal na lakad. Kung sa trapiko nga ay di masunod ang batas, paano pa kaya sa mga bagay na mas malaki ang makukuha, tulad ng sa mga proyektong pinopondohan ng kaban ng bayan?
Kayo po ba gusto ninyong makulong ang lahat ng tiwali? Ako rin. Gusto ba ninyong matanggal ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada, kundi sa kaisipang nagdulot ng baluktot na sistema na pagkatagal-tagal na nating pinagtiisan? Ako rin. Gusto po ba ninyong mabigyan ng patas na pagkakataon ang lahat na umasenso? Ako rin.
Narito po ang halimbawa ng resulta ng ating kampanya kontra wang-wang sa sistema. Nitong taong ito, taumbayan na mismo ang nagsabi, nabawasan ang nagugutom sa kanila. Mula 20.5% na self-rated hunger noong Marso, bumaba na ito sa 15.1% nitong Hunyo, katumbas ng isang milyong pamilyang Pilipinong nagugutom dati, pero ngayon ay nakakakain na nang tama kada araw.
Sa larangan po ng negosyo, sino ba ang nag-akalang pitong ulit nating malalampasan ang all-time-high ng stock market? Ang dating 4,000 index na inaakalang hindi maaabot, o kung maabot man ay pansamantala lang, ngayon, pangkaraniwan nang hinihigitan.
Kung dati napako na ang bansa sa mababang credit ratings, itinaas ng Moody’s, Standard and Poors, Fitch, at Japan Credit Ratings Agency ang ating ranking, bilang pagkilala sa ating...."

For the full text and English translation, go to  SONA  July 25, 2011

on "ternos" worn at SONA

2 comments:

  1. I am extremely impressed along with your writing abilities, Thanks for this great share.

    ReplyDelete